Credit to the owner of this photo, I didn't able captured photo of MANUEL UY Beach Resort kasi medyo kinulang ng time (yun ang napapala ng walang time management 🤣). So ayun nga mag ateng at kyah, di ko iniexpect na maienjoy ko siya kasi kala ko normal na beach lang sya na may tubig na lumalabo pag nagagalaw✌️😅 . Anyway, bago ko narealize yun, is umaga na. Haha. Nga pala, overnight trip to, at totoo naman na napakaganda mag star gazing kasi kitang kita mo ang kalangitan. Ito yung shoot na nagawa ko nung gabing yun. Pasensya na at hindi expert lero keri na diba?!
Say nyo mga ateng at kyah?! Anyway bago ang lahat, ito nga bago kami makapunta dito nagkita kita kami ng mga co-worker ko sa Paseo de Sta. Rosa Laguna since sa Tagaytay ang way namin papuntang Calatagan Batangas, nagpagas lang kami ng 1000 pesos balikan na yun kung saan kami nagkita kita. So far, dahil maganda ang araw ng byahe namin walang kaming traffic na nakasagupa sa daan papunta ang pauwi (take note ang weekdays pati ang holiday kung kailan wala kaming pasok). Sa pagpunta po namin dun ay madilim ang daan medyo scary kasi kayo mismo magdadala dapat ng mga chargable na ilaw it means madilim po and daan kaya make sure na full charge na din at mag dala ng power bank. So ito ang mga binayaran namin,
1. Environmental Fee
2. Entrance Fee
3. Camp site Tent (if ever wala pong dala)
Ito yung copy for this year (2019) na mga babayaran if ever binalak nyu pong pumunta dito, kinuha ko lang din sa page nila;
Allowed po magdala ng pagkain at alak kaya pak na pak, kami nagbaon lang kami ng sinaing na kanin dalawang kilo yun, hotdog, at tatlong klase ng adobo kase fyi lang yung food namin to is inabot hanggang kinabukasan ng tanghali 😁 nag inom kami bahagya since kararating lang din namin dun at galing pa sa work medyo pagod yung feeling kaya naggora padin kami. At after kumain nag inom kami pang paantok lang. At ayun na nga natulog na kami.
Ganyan, jam pack ang tent jam pak din naman ang view db?! Credit to the owner this photo po ha. And same padin naman sya sa nakita ko, di lang talaga ako nag abala na magpicture.
That morning, low tide mas malinaw ang tubig at kayang kaya mapuntahan yung park kung saan makakakita ka ng corals na di na nga lanv buhay pero may mga buhay pa. Pag low tide din makikita mo din ang sand bar, kaya para sa akin may okay yung paglalow tide ng lugar na yun.
Dahil mas nag enjoy kami sa simpleng snorkeling namin na abot ng paa namin, syempre maglelevel up kami kahit na mga di kami marurunong lumangoy 😅🏊♀️. Nag 2 area kami since yung pang 3 area na sand bar is hindi na available kase biglang nag high tide nung naisipan namin mag boat tour. Ito ang aking mga picture sa star fish area nila na may mala boracay na buhangin;
Nakakahiya man pero first time kong makakita at mahawakan ang starfish kaya ang saya saya, ignorante talaga ateng at kyah ee. Wala ee.. 😅 Then after nag snorkeling kami, grabe ang lalim na sya thanks talaga sa lifevest kasi naenjoy ko ang pag snorkeling ko ang dami kong nakitang na corals at iba iba ang kulay, iba iba ang hugis at iba iba ang laki. Di lang yun, iba ibang isda. Parang bigla kong nagustuhang maging serena ee.. Hahaba Sayang lang kasi wala akong action camera para maipakita kong anu nakita ko, ayaw ko naman na pati yun e ctto ko since first time ko din na mae, perience at makakita ng ganun. Pero ito ipapakita ko ang snorkeling photo ko para maalala ko na nakaya ko at lumakas loob ko na lumangoy na malayo sa bangka namin.
So kamusta naman ang kulay ng dagat, mukang malalim naman talaga db?!
Kung gusto mo makita ang video namin at tinatamad ka, ito ang link ng aking youtube channel
So ayun, sulit at ang saya ng siningit na travel namin. Sana nagkaidea kayo at nakatulong ako bahagya sa plano nyu.
Kung may katanungan handa ko pong sagutin kaya bawal mahiya ha.
Salamat mga ateng at kyah!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento